Tanggapan at Impormasyon para sa mga Dayuhang Naninirahan sa Meguro

Kayo ba ay nangangailangan ng tulong at nararamdaman ninyo na di madali ang inyong pananatili at pamumuhay sa lugar ng Meguro? Sa mga dayuhan na nakatira sa Meguro, ang “Foreign Residents Information Desk” ay nagbibigay ng kaalaman at maaari kayong magtanong o magkonsulta tungkol sa bagay-bagay na pamumuhay ng panlipunan. May mga serbisyo gaya ng mga impormasyon tungkol sa edukasyon o pag?aaral, kasal/diborsiyo/paghihiwalay, buwis, kaalaman ng medical, pag-aaral ng wikang Hapon at iba iba pang serbisyo. Para sa mga kaalaman o impormasyon, may apat na wika: English, Intsik, Koreano at Tagalog. Ang “Foreign Residents Information Desk” o ang Tanggapang Pangkaalaman para sa mga Banyagang naninirahan sa Meguro ay matatagpuan sa kanlurang pasukan/labasan ng pangunahing gusali ng Meguro City Office Complex. Inaanyayahan namin kayo na malayang dumulog sa nasabing tanggapan upang kayo ay aming matulungan at malugod na mapaglingkuran.

Oras ng Serbisyo
* Para sa wikang English Lunes hanggang Biyernes 10AM~12/1PM~5PM
* Wikang Intsik:Lunes at Miyerkoles 10AM~12/1PM~5PM
* Wikang Koreano:Tuwing una at ikatlong Huwebes 10AM/12/1PM~5PM
* Wikang Tagalog:Tuwing ikalawa at ikaapat na Huwebes 10AM~12/1PM~5PM

Lugar: Unang palapag (1F), Pangunahing Gusali, Meguro City Office, 2-19-15, Kamimeguro, Meguro-ku, Tokyo. Maari po lamang tingnan ang kalakip na mapa

Tel.   (03)-5722-9187(English)
     (03)-5722-9194(Intsik / Koreano / Tagalog)

♪ Maari po lamang tignan ang kabilang bahagi para makita kung saan matatagpuan ang Meguro City Office Complex. Marami pong salamat.
Tren: 5 minutong lakad mula sa himpilan ng Nakameguro Tokyo Toyoko Line o Hibiya Line.
Bus: 1 minutong lakad mula sa bus stop na Meguro Sougou Chousha Mae sakay ng bus bilang (渋(しぶ)71) na biyaheng mula estasyon ng Shibuya patungong estasyon ng Sensoku.
Bus: 1 minutong lakad mula sa bus stop na Meguro Sougou Chousha Mae sakay ng bus bilang(恵(え)32)na biyaheng mula sa estasyon ng Ebisu patungong estasyon ng Youga
Bus: 5 minutong lakad mula sa bus stop ng Nakameguro Station bus bilang(渋(しぶ)41)biyaheng mula estasyon ng Shibuya patungong estasyon ng Oimachi
Bus: 5 minutong lakad mula sa bus stop ng Nakameguro Station bus bilang (黒(くろ)9) biyaheng mula Meguro Station patungong estasyon ng Nozawa Ryuunji